Mahirap man ang buhay
Aking matitiis
Basta't walang talikalang
nakatali sa leeg.
Hirap ay makakaya
Kung ako ay wala na.
Sa kuko ng agila sa akin ay pumupuksa.
Sa sariling lupa ay
alipin ako ng banyaga
Sa kuko ng agila
kailangan kung makalaya.
Kailan ang tamang oras upang labanan ko
Ang mga pang aapi sagad na sa aking buto
Ngunit walang kalayaan
Habang naroroon
Sa kuko ng agila sa leeg ko nakabaon
Ako'y palayain
Sa kuko ng agilang mapang alipin.
Mahirap man ang buhay
Aking matitiis
Basta't walang talikalang
nakatali sa leeg.
Ngunit walang kalayaan
Habang naroroon
Sa kuko ng agila sa leeg ko nakabaon.
Ako'y palayain sa kuko ng
agilang mapang alipin.
Sa sariling lupa ay
alipin ako ng banyaga.
Sa kuko ng agila
kailangan kung makalaya.
Ako'y palayain
Sa kuko ng agilang mapang alipin.
Ako'y palayain
Sa kuko ng agilang mapang alipin.
Enjoy Singing Thank You
Upload Arrange by Vips Niel82