menu-iconlogo
huatong
huatong
avatar

Bulag Pipi at Bingi

Freddie Aguilarhuatong
infocision1huatong
Liedtext
Aufnahmen
Madilim ang ‘yong paligid,

hating gabing walang hanggan

Anyo at kulay ng mundo

sa ‘yo’y pinagkaitan

H’wag mabahala, kaibigan,

isinilang ka mang ganyan

Isang bulag sa kamunduhan,

ligtas ka sa kasalanan

‘Di nalalayo sa ‘yo ang tunay na mundo

Marami sa ami’y nabubuhay nang tulad mo

‘Di makita, ‘di madinig, minsa’y nauutal

Patungo sa hinahangad na buhay na banal

Ibigin mo mang umawit,

hindi mo makuhang gawin

Sigaw ng puso’t damdamin

wala sa ‘yong pumapansin

Sampung daliri, kaibigan,

d’yan ka nila pakikinggan

Pipi ka man nang isinilang,

dakila ka sa sinuman

‘Di nalalayo sa ‘yo ang tunay na mundo

Marami sa ami’y nabubuhay nang tulad mo

‘Di makita, ‘di madinig, minsa’y nauutal

Patungo sa hinahangad na buhay na banal

Ano sa ‘yo ang musika,

sa ‘yo ba’y mahalaga

Matahimik mong paligid,

awitan ay ‘di madinig

Mapalad ka, o kaibigan,

napakaingay ng mundo

Sa isang binging katulad mo,

walang daing, walang gulo

‘Di nalalayo sa ‘yo ang tunay na mundo

Marami sa ami’y nabubuhay nang tulad mo

‘Di makita, ‘di madinig, minsa’y nauutal

Patungo sa hinahangad na buhay na banal

‘Di makita, ‘di madinig, minsa’y nauutal

Patungo sa hinahangad na buhay na banal