menu-iconlogo
huatong
huatong
avatar

Kadenang Bulaklak

Donna Cruzhuatong
paktheavy22huatong
Liedtext
Aufnahmen
and Luisa0021

Have fun singing

Ang wikang ginagamit ng mga puso

Natututunan kahit di ituro

Sa ating buhay, darating ang sandaling

Puso'y tatawagin

Upang kanyang pag aralan

Ang wikang gagamitin

Puno raw ng kahirapan landas na daraanan

Subalit wala raw katumbas

ang kasiyahang matitikman

Sa sandaling na'yong mabatid

Puso mo pala ang narinig

Na nangungusap mula sa iyong dibdib

Ano ang ginagamit na wika sa langit?

Bawat salita kaya doon ay inaawit

Kahit marami ka pang di nalalaman

Asahan mong doon mayroon kang tahanan

Kapag dumami na sa lupa

Pusong marunong mangusap

Sa likod ng bawat ulap

May anghel na papalakpak

Malapit nang mabuo

Kadenang bulaklak

Kapag dumami na sa lupa

Pusong marunong mangusap

Sa likod ng bawat ulap

May anghel na papalakpak

Maaari na muling sabitan

Ng kadenang bulaklak itong daigdig

Upang kanyang kagandaha'y magbalik

Upang kanyang kagandaha'y magbalik...

Kadenang Bulaklak von Donna Cruz - Songtext & Covers